Sa paglakad mo pa lang sa Falcon Walkway, makakasabay mo na sila. Maaaring hindi mo ka-batch, hindi mo ka-kurso or hindi mo kakilala, pero isang common na tawag, lilingon na siya --- CLASSMATE! Si classmate na tinanungan mo kung saan ang OZ Building. Si classmate na tinanong mo kung saan ang C.R. Si classmate na nakasabay mo kumain sa Pao Tsin. Si classmate na una mong naging seatmate sa first subject nyong Algebra. Si classmate na binigyan ka ng yellow pad para sa surprise quiz nyo sa English class. Si classmate na pinahiram ka ng ballpen dahil naubos na ang tinta kakasagot mo sa Chemistry exam. Si classmate na sa isang P.E. class, ang pinansalo niya ng bola eh yung mukha niya. Si classmate na naiwan ang I.D., pero patago mong pinahiram yung I.D. mo para makapasok siya dahil may exam kayo. Si classmate na kasama mong manood ng UAAP. Si classmate na kasabay mong mag-cheer para sa minamahal at pinagmamalaki niyong Adamson University. Si classmate mong athlete na lumaban para makapasok kayo sa basketball finals. Si classmate na kasama mo sa outreach program para sa CWTS niyo. Si classmate na naging ka-buddy mo kahit saan ka pumunta. Si classmate na hingal kabayo kakatakbo sa Falcon Walkway baka kasi ma-late na siya. Si classmate na nakasabay mong magsimba sa St. Vincent de Paul Parish, at hiniling niyo na makapasa sa final exams. Si classmate na sinamahan kang pumila para sa scholarship, at siya pa yung masayang masaya dahil nakakuha ka ng 100% no payment for tuition fee. Si classmate na kasama mong gumawa ng thesis, magpractice sa Luneta at magwalis ng kalsada. Si classmate na tanungan mo kung ano ang assignment, kung saan may reporting at kung ano ang project nyo sa Bio Sci, Logic at Geography. Si classmate na maagang pumila sa cashier at ni-reserve ka sa pila para makapag-bayad kayo agad, kasi nga "no permit, no exam". Si classmate na sinamahan mong magreview para hindi kayo bumagsak sa Trigonometry. Si classmate na ka-text mo kapag malakas ang ulan at baha, ang tanong "May pasok ba?" Si classmate na nahuli mong natutulog sa L.M. library. Si classmate na hindi mo ka-block, pero naging classmates kayo dahil sa Chem Lab. Si classmate na naging crush mo, naging kayo, pero nag-break din kayo sa huli. Si classmate na kasabay mong nangarap na tatapusin ang karerang inumpisahan niyo. Si classmate na apat na taon mong kasama ---kaibigan, kapatid at karamay. Si classmate na kasabay mong nagmartsa sa PICC, at nangakong hindi magkakalimutan, peksman, mamatay man. CLASSMATE / KLASMEYT - isang tatak Adamson na kahit naka-graduate ka na, patuloy mong maaalala na minsan, naging classmate ka sa marami pang classmate sa masayang buhay estudyante sa loob ng ADAMSON UNIVERSITY. Good Luck and God Bless CLASSMATES! *This post was first published at Kwentong Adamsonian under my pen name: Strings & Wings. The above post garnered 1k plus likes and 239 shares.
0 Comments
|
AuthorOld soul Categories
All
Archives
April 2017
|