Sa guhit ng mga palad
may mga munting hangad tadhana ba ay mailalahad? saan nga ba mapapadpad? Sa bawat guhit at linya pataas, pababa, pahiga patungo sa langit o kaya sa lupa bawat isa'y may itinuturong pag-asa. Ang mga palad ay parang mga tala nagbibigay gabay at hiwaga di man malaman sa umpisa sa dulo'y may pirasong gunita. Karugtong ng puso ang mga palad tagos pati sa isip ang naisin at pangarap buong buong aabutin ang mga hinahanap kahit ano mang balakid, ito'y mahaharap.
0 Comments
Ikaw, aking sinta, ay malaya sa pag-ibig na dulot ay ligaya hindi mo ito maikukumpara sapagkat ako ay magpaparaya Ikaw at ako kailanma'y hindi na magtatagpo sapagkat sa iba nakabaling ang pusong dapat ay sa akin Hindi kailangan ng paumanhin kahit masakit sa damdamin nakangiti kong aaminin puso ko'y naninimdim Malaya ka ng parang ibon kahit paano'y huwag ng lumingon bulong ng puso iyong sundin sapagkat sa kanya, ika'y hihimbing |
AuthorOld soul Categories
All
Archives
April 2017
|