Hi, Bes!
Kamusta ka na? I miss you! Sana ok ang pakiramdam mo. Pasensya ka na di pa tayo ulit nakakapagkita. Di kasi naman mgswak pa ang schedule natin. Nakikita ko mga post mo lately. Alam ko madami kang pinagdadaanan, pero kahit ganyan maging thankful ka, kasi lalo kang natututo sa buhay. Sabi mo sakin medyo nawawalan ka ng ganda sa work? Bes, huwag ganun. Ang work natin ay isang malaking blessing. Hindi ka makakabili ng toothpaste at sabon kapag wala kang work. Kahit medyo nagiging routinary na ang work natin, bes … kapit lang. Pasasaan ba eh makukuha mo din ang dream job mo. Kung baga, kanya kanyang time lang yan. Pagtiisan mo lang ang current work mo, bes! Ang lahat ng bagay nagsisimula sa maliit. Malay mo tinetest ka lang ni Lord, tinitignan niya kung ano ang attitude mo kapag nasa baba ka. Para bang nireready ka nya, para kapag nandun ka na sa tugatog ng gusto mong maabot, hindi ka mangaapak ng tao. Kasi alam mo na kung ano ang feeling ng nasa baba, ng maliit, ng nagsisimula. Para kapag nandun ka na sa successful moment mo, bes, babalikan mo ang lahat ng may ngiti at masayahing puso. Huwag mo ikumpara ang journey mo sa iba, bes! Huwag ka mainggit sa kanila, o kaya naman maging social climber. Bad yun! May mga bagay sa mundo na hindi tulad ng instant noodles or instant coffee. Mas masarap ang mga bagay na pinaghihirapan. Hindi porket may kotse na yung dati mong classmate, o kaya naman meron siyang bagong iphone, kailangan ganun ka na din. Hindi porket nakapunta na siya sa ibang bansa, nakapag travel sa iba ibang place eh yun na din dapat ang status mo sa buhay. Huwag ganun, Bes! Magkaiba nga kayo ng pangalan eh, kaya magkaiba din kayo ng journey. Huwag ka mapressure! Magagawa mo din ang mga bagay na gusto mo at makakamit mo din ang lahat ng pangarap mo. Tandaan mo lang, bes! God’s timing is always perfect. Kapag na sayo na, yakapin mo na ng mahigpit, huwag mo ng pakakawalan. Sasabihin mo na sa Kanya, Lord, Thank you! Ang galing mo talaga! Positive vibes lang lagi, bes! Oh di ba, medyo naiiyak ka na sa mga sinasabi ko. Kasi yan ang dapat mo madinig at maramdaman. Ang fb at iba pang social media sites, pang entertainment lang yan at information purposes. Kung ang iba ginagawa yan para magyabang, hay naku, bes! Log out ka muna. Bayaan mo lang sila magyabang. Tandaan, good vibes lang! Magbasa ka na lang ng libro, madami ka pang matututunan. Sabi mo nga pala sakin medyo nagtatampo ka sa family mo? Ano ka ba, bes! Wala ng iba pang tao ang tatanggap satin ng hindi tayo hinuhusgahan kundi pamilya lang natin. Walang papantay sa pagmamahal nila. Huwag ka na magtampo. Mahirap mag-isa! Buti nga paguwi mo galing ng work, nandyan ang mama mo. May pagkain ka na sa mesa, may naglalaba na ng damit mo. Ang importante, buo ang pamilya mo. Yung iba nga, nasa ibang bansa pa, paguwi nila sa dorm, pagluluto pa nila sarili nila. Tapos ang matindi pa dun, bes, yung homesick. Kaya maging thankful ka sa pamilya mo. Sige ka, nasa huli ang pagsisisi. Love them while you have them, at kahit wala na din sila sa tabi mo. Wala ng hihigit pa sa pagmamahal ng pamilya. Bes, alam ko hinihintay mo pa din si Mr. Right. :D Kalma, bes! Sabi ko nga sayo di ba, darating din yan kapag tama na ang panahon. Huwag ka mastress! Parang career yan, everything will fall into its proper place at the perfect moment. Sabi nga ng lyrics ng kanta, “I think the universe is on my side, heaven and earth have finally aligned. Days are good, that’s the way it should be.” Darating at darating din yan. Smile na, bes! Huwag na masyado mapressure sa buhay. Ikaw nga ang nagsabi sakin dati na, “Kapit lang, bes!” kaya ibabalik ko din yan saiyo. Ay, wait! Higit sa lahat, kapit ka lang kay Lord. Lahat ng pinagdadaanan natin, nakikita nya. Buksan mo ang puso mo para sa mga nagmamahal sayo. Love is a blessing! Lalo na ang blessings ni Lord, saluhin mo ng buong puso nang hindi lumalaki ang ulo! Hanggang sa susunod nating paguusap ha! Tama na ang emote! Kapit lang, bes!
0 Comments
|
AuthorOld soul Categories
All
Archives
April 2017
|